Thursday, July 16, 2009

BAYANIHAN... SAMA-SAMA, TULONG-TULONG INSPIRED BY THE SPIRIT(U) OF VOLUNTERISM!!

BAYANIHAN... SAMA-SAMA, TULONG-TULONG INSPIRED BY THE SPIRIT(U) OF VOLUNTERISM!!


As expected, not only the six hundred (600) employees are under the state of uncertainties, but also the members of magic 258 including the top ranking officials of this sinking institutions.

Kung mahuhulaan lang ng bawat isa ang tiyak na mangyayari sa hinaharap sana'y hindi mahirap magdesisyon! Kaya kasama sa dilemma ang top management dahil mali ang resulta ng kanilang panghuhula! Nagkukumahog na sila sa kanilang mga aksyon - kaya urong-sulong ang mga posisyon at desisyon! 

Wala namang masama kung magkamali huwag lang sinasadya at marunong magwasto ng pagkakamali!
Sabi nga ng mga aktibista: "Rectify our errors and reaffirm our basic principles"

"If I were you, tatalon na ako", ang advise ng iba! "Kaya lang may sumagip pa kayang iba", ang sagot naman nya! "Hindi ko kayang umalis na ganito ang sitwasyon mas kailangan ang lakas at kapangyarihan ko, malaki pa ang chance para makakasalba"! "Bahala na ang tadhana, kung ito ang kapalaran ko tatanggapin ko na"! 

In short, may mga tao na walang pakialam! May passive! May active! May over acting din! Lahat tayo ay kabilang sa alin man sa mga katangiang ito! Subalit kailangang manguna dito ang mga taong may kaisipang positibo at progresibo! Meron tayo n'yan, tiyak ako! Sino? Kung meron nga paano makikiisa ang walang pakialam at mga pacifier ng ating society?

Sa isang bayanihan, katulad ng unang kaugalian na pagbubuhat at paglilipat ng bahay hindi ina-assign ang maglileader - lahat ng nagbubuhat at kasali doon boluntaryo! Nagpapakiramdaman lang sila, may mauuna doon magsalita, "bilang" isa, dalawa... - boluntaryo 'yon! May masasabi doon, "ilagay sa balikat sabay-sabay tayo, unang hakbang kaliwa, kanan, baba at iba pa" - may command siya pero hindi appointed or elected leader . Volunteer 'yon!  
Ang "People Power sa EDSA" ay magandang halimbawa ng bayanihan, sama-sama, tulong-tulong sa diwa ng BOLUNTERISMO!

Kahit na saang angulo ng lohika at praktikalidad ay hindi mapagtatama at makakaya ng 258 lamang upang punuan ang trabahong maiiwan, ang mahigit na 600 empleyado, kung hindi man lahat ngunit karamihan ay naging bahagi ng inabot na katanyagan! Malamang ay hindi din naman sapat ang grupo ng 600 upang pagtagumpayan ang gusto nating solusyon. 258 + 600 ang pratikal at wastong equation para sa ano mang operasyon. Patuloy na magigiging bahagi ng pagbangon at muling pagsulong sapamamagitan ng maayos at may sense of responsibilities na taga-panguna. 

Ito tayo ngayon, sitwasyon na bayanihan ang makakasagot sa gusto nating solusyon! Lahat tayo ay may maiiambag, may maibabahagi! Huwag mong ipangako ang lampas sa iyong kakayanan.
Ikaw ang magpapasya! Bilisan mo lamang baka mahuli na!!


-ANONYMOUS-


Wednesday, July 8, 2009

THE FINAL COUNTDOWN

THE FINAL COUNTDOWN
Diterminado at walang balak iatras ng administrasyong ito ang kanyang mga plano na anti-employee at anti-people policies!

SEC. 2. Declaration of Policy. - It shall be the policy of the State to accelerate the flow of investments and credit resources into the countryside so as to trigger the vigorous growth and development of rural productivity, employment and enterprises thereby generating more livelihood and income opportunities for the disadvantaged rural populace. Pursuant to this policy, there shall be set up a convenient credit-support mechanism and reliable guarantee system”.- RA 7393

Maraming apela at mga tanong na hindi nasasagot! Ang ibinalik sa atin dalawang buwang pampalubag loob na “extension of contracts”! Extension of contracts na questionable, sapagkat alam ng karamihan na ang minimum na kontrata ay tatlong (3) buwan. (Tingnan ang mga pangalan ng mga apektadong kawani sa mga Special Order Blg. 092-B dated June 8, 2009 at Special Order Blg. 098 dated June 26, 2009) At pagtatago sa anino ng Regionalization na minsan ng tinutulan - at una na nilang tinalikuran! Regionalization na sa bandang huli ay papunta ng AFO or mega region!? 

SEC. 5. Place of Business. - The Corporation shall have its principal place of business in Metro Manila and may establish many branches or smaller units of organization in any part of the Philippines as may be necessary in carrying out efficiently and effectively its operations.” - RA 7393


Sa kabila ng napakaraming pagtutol at pagbatikos mula sa mga empleyado at mamayan patuloy at walang kilabot na iginigiit ang plano ng rationalization - at reorganization kung sakaling tuluyang pumalpak at hindi katigan ng ahensya ng pamahalaan. Palpak, sapagkat hangang sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na sestima kung paano patatakbuhin ang isang AFO, kung paano ang sestima ng pagsingil at pagmonitor ng mga accounts at kung paano pagtatamatamain sa pamamagitan ng relocation ang mga regular na kanilang ititira. Lagpas na sila sa taning na sila mismo ang gumawa, July 1, 2009!

SEC. 28. Authority to Expand Personnel Complement. – In view of the expanded scope of the operations of the Corporation, it is hereby authorized to reorganize and expand its personnel complement. in consultation with the Civil Service Commission and in accordance with Section 14 hereof, in order to achieve efficiency and effectiveness in the delivery of its mandated services.” - RA 7393

Malinaw at iisa ang intension! Panggigipit sa hanay ng mga kaawa-awang mga kawani ng QUEDANCOR! Ito na ang panahon na binibilang na nila ang ating huling panahon sa kompanyang ito!

May panahon pa at pagkakataon! Bakit hindi natin baliktarin ang sitwasyon, sila ang ating paalisin at bilangin ang mga araw na ilalagi pa sa Quedan!


"Ating Ipakita, Ipadama ang pagkakaisa! Huwag nating hayaang tapakan ng iilan ang ating karapatan! Ipaglaban ang ating karapatan at interes ng mamamayan na umaasa serbisyo ng Quedacor."

Hindi lang ang Central Office ang tamang lugar upang maipahayag natin ang ating pagtutol. Bakit hindi natin gawin sa ating mga rehiyon? Gawin natin ng sabay-sabay! Bilangin natin ang mga huling araw ng mga makasarili at salot ng ating kompanya!

Pukawin ang dapat pukawin habang may panahon pa! Organisahin ang bawat isa, tayo ang mangunguna sa pagkakaisa tungo sa sama-sama at solidong aksyon upang kamitin ang kolektibong tagumpay para sa bawat isa!


IPAGLABAN ANG INTERES NG MGA KAWANI AT KAPAKANAN NG MALILIIT NA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT IBA PANG APING SEKTOR NG LIPUNAN!!!
TUTULAN ANG RATIONALIZATION AT REORGANIZATION!!!
IBALIK ANG NORMAL NA OPERASYON NG KOMPANYA!!!
GAMITIN AT MAKSIMISAHIN ANG 8 BILYON TRADE RECEIVABLES KASAMA ANG IBA PANG NAPAKARAMING ARI-ARIAN NG KOMPANYA!!!
BIGYAN NG KATIWASAYAN AT KATAHIMIKAN ANG BAWAT KAWANI!!!
OBLIGAHIN ANG GOBYERNO NA TUMUGON SA RESPONSIBILIDAD SA QUEDANCOR AT MGA MAMAMAYAN!!!!




WE ARE RATIONAL