Wednesday, July 8, 2009

THE FINAL COUNTDOWN

THE FINAL COUNTDOWN
Diterminado at walang balak iatras ng administrasyong ito ang kanyang mga plano na anti-employee at anti-people policies!

SEC. 2. Declaration of Policy. - It shall be the policy of the State to accelerate the flow of investments and credit resources into the countryside so as to trigger the vigorous growth and development of rural productivity, employment and enterprises thereby generating more livelihood and income opportunities for the disadvantaged rural populace. Pursuant to this policy, there shall be set up a convenient credit-support mechanism and reliable guarantee system”.- RA 7393

Maraming apela at mga tanong na hindi nasasagot! Ang ibinalik sa atin dalawang buwang pampalubag loob na “extension of contracts”! Extension of contracts na questionable, sapagkat alam ng karamihan na ang minimum na kontrata ay tatlong (3) buwan. (Tingnan ang mga pangalan ng mga apektadong kawani sa mga Special Order Blg. 092-B dated June 8, 2009 at Special Order Blg. 098 dated June 26, 2009) At pagtatago sa anino ng Regionalization na minsan ng tinutulan - at una na nilang tinalikuran! Regionalization na sa bandang huli ay papunta ng AFO or mega region!? 

SEC. 5. Place of Business. - The Corporation shall have its principal place of business in Metro Manila and may establish many branches or smaller units of organization in any part of the Philippines as may be necessary in carrying out efficiently and effectively its operations.” - RA 7393


Sa kabila ng napakaraming pagtutol at pagbatikos mula sa mga empleyado at mamayan patuloy at walang kilabot na iginigiit ang plano ng rationalization - at reorganization kung sakaling tuluyang pumalpak at hindi katigan ng ahensya ng pamahalaan. Palpak, sapagkat hangang sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na sestima kung paano patatakbuhin ang isang AFO, kung paano ang sestima ng pagsingil at pagmonitor ng mga accounts at kung paano pagtatamatamain sa pamamagitan ng relocation ang mga regular na kanilang ititira. Lagpas na sila sa taning na sila mismo ang gumawa, July 1, 2009!

SEC. 28. Authority to Expand Personnel Complement. – In view of the expanded scope of the operations of the Corporation, it is hereby authorized to reorganize and expand its personnel complement. in consultation with the Civil Service Commission and in accordance with Section 14 hereof, in order to achieve efficiency and effectiveness in the delivery of its mandated services.” - RA 7393

Malinaw at iisa ang intension! Panggigipit sa hanay ng mga kaawa-awang mga kawani ng QUEDANCOR! Ito na ang panahon na binibilang na nila ang ating huling panahon sa kompanyang ito!

May panahon pa at pagkakataon! Bakit hindi natin baliktarin ang sitwasyon, sila ang ating paalisin at bilangin ang mga araw na ilalagi pa sa Quedan!


"Ating Ipakita, Ipadama ang pagkakaisa! Huwag nating hayaang tapakan ng iilan ang ating karapatan! Ipaglaban ang ating karapatan at interes ng mamamayan na umaasa serbisyo ng Quedacor."

Hindi lang ang Central Office ang tamang lugar upang maipahayag natin ang ating pagtutol. Bakit hindi natin gawin sa ating mga rehiyon? Gawin natin ng sabay-sabay! Bilangin natin ang mga huling araw ng mga makasarili at salot ng ating kompanya!

Pukawin ang dapat pukawin habang may panahon pa! Organisahin ang bawat isa, tayo ang mangunguna sa pagkakaisa tungo sa sama-sama at solidong aksyon upang kamitin ang kolektibong tagumpay para sa bawat isa!


IPAGLABAN ANG INTERES NG MGA KAWANI AT KAPAKANAN NG MALILIIT NA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT IBA PANG APING SEKTOR NG LIPUNAN!!!
TUTULAN ANG RATIONALIZATION AT REORGANIZATION!!!
IBALIK ANG NORMAL NA OPERASYON NG KOMPANYA!!!
GAMITIN AT MAKSIMISAHIN ANG 8 BILYON TRADE RECEIVABLES KASAMA ANG IBA PANG NAPAKARAMING ARI-ARIAN NG KOMPANYA!!!
BIGYAN NG KATIWASAYAN AT KATAHIMIKAN ANG BAWAT KAWANI!!!
OBLIGAHIN ANG GOBYERNO NA TUMUGON SA RESPONSIBILIDAD SA QUEDANCOR AT MGA MAMAMAYAN!!!!




WE ARE RATIONAL



10 comments:

Anonymous said...

Talagang malabo ang plano nila...irerelocate ang districts into a megaregions. They don't even bother to shoulder relocation allowance and all the gastos of migration. What's next, tatangalin rin. anlabo nyo. pinahirapan nyo na i dislocate ang personnel, balak nyo pang tanggalin. Are you out of your mind or you're just on drugs? pea-brains, that is. lol

Anonymous said...

Ano nga kaya kung baligtarin natin ang sitwasyon... SILA ang tanggalin natin? andami natin. iilan lang sila. hehe joke lang...pero mukang pwede. anong masasabi nyo pipol... ikaw ano mismo ang gagawin mo.?

Anonymous said...

WE ARE RATIONAL
WE ARE RATIONAL
WE ARE RATIONAL
WE ARE RATIONAL
WE ARE RATIONAL
WE ARE RATIONAL
WE ARE RATIONAL
WE ARE RATIONAL
WE ARE RATIONAL
WE ARE RATIONAL

TRASH THE REAL IRRATIONAL

Anonymous said...

Ba't nga pala di pa nilalabas sa pahayagan yung appeal natin? dapat naka centerfold . parang porn mag. hehe

Anonymous said...

sana lang wag puro daldal, aksyon ang kailangan.

Anonymous said...

WE COUNT ON YOU SANA UMPISAHAN NA BAGO MAHULI ANG LAHAT SILA ANG DAPAT NA UMALIS HINDI TAYO

TOP MANAGEMENT ANG DAPAT MAWALA DI TAYO.

PLS SUPPORT US

Anonymous said...

KYA NGA SIGN N KC KAU DUN SA RECALL..UMPISAHAN NTIN SA QUEMAS..SKA NTIN ISUNOD MGA AMO NILA.

Anonymous said...

Tama mag sign na sa recall...

Anonymous said...

Mag sign in kau sa recall then after 5 minutes makakatanggap ka sa fax ng "SAGOT SA INYONG PETISYON" instant!

Anonymous said...

HUMINGI TAYO NG LEGAL OPINION SA MGA ABOGADO. MAG TANONG TAYO KUNG MAY BASIS TAYO MAG FILE NG T.R.O. SIGURADO MASISIRA ANG PLANO NILA PAG MAY TRO TAYO. KC ANG TRO AY 6O DAYS ANG EFFECTIVITY. PAG NOV 30, 2009 HINDI PA TAYO NILA NA TERMINATE. TAPOS SILA. INABOT SILA NG ELECTION BAN. KAILANGAN LAHAT TAYO KASALI MAG FILE NG T.R.O.