Monday, June 22, 2009

BUKAS NA LIHAM SA PAMUNUAN NG QUEMAS

Hindi sa minamaliit naming ang kakayahan ng pamunuan ng QUEMAS, pero sa panahon at mga pangyayari ngayon, may maaasahan pa ba kaming tulong sa inyo? Patuloy na lumalala ang kundisyon naming mga casual at contractual employees na para bang may taning na ang buhay namin sa kumpanyang ito, may maasahan ba kami upang kahit paano ay maramdaman naming may kakampi kami? May magtatanggol pa ba sa amin? 

  Sa ngayon, hindi namin lubos malaman ang tunay na estado ng aming employment sa Quedancor bunsod na rin ng sunod sunod na memorandum na pinapalabas ng kasalukuyang pamunuan. Hanggang June 30 na lang ba kami o extended hanggang August 30? Pagkatapos noon, ano na ang mangyayari sa amin? Saan kami dadalhin? Saan kami pupulutin? Huwag naman sana sa kangkungan. Ilan taon na rin kaming naguguluhan sa sitwasyon. Mula taong 2007, laman na ng pang-araw-araw naming diskusyon ang pagkabagabag sa isyu ng tanggalan. Masasabi naming naging “immune” na kami sa isyung ito, pero sa totoong buhay, napakalaking dagok itong mga nagyayaring ito. 

  Para kaming “ticking bomb waiting to explode”. Para kaming inuupos na kandila. Para kaming bolang binabato sa ere. Para kaming isinasali sa “firing squad”. Para kaming mga trapo na matapos gamitin ay itatapon na lang ng basta basta. Magulo, masalimuot at nakakalungkot. May mga bagay na kinakailangan namin ng kasagutan. Una, bakit di natuloy ang pag-publish ng appeal ng QUEDANCOR employees sa dyaryo, dahil ba sa pangakong binitiwan ni Sec. Yap? Ipagpalagay na natin na totoo ang pangakong ito, wag natin kalimutan na lahat ng ahensya ng gobyerno ay sumasailalim sa rationalization. May kasiguraduhan ba tayo sa puntong ito? Pangalawa, bakit kailangan pang mag-contribute ng Php 150.00 para sa pagpapalimbag sa dyaryo, di pa ba sapat ung dalawampu’t limang piso kada buwan na kontribusyon namin? Karamihan sa amin ay nagserbisyo sa kumpanya ng di bababa sa limang taon. Kung susumahin, bawat isa sa amin ay nag contribute ng humigi’t kumulang sa 1,500.00 sa loob ng 5 taon, sa 600 na empleyado, Php 900,000.00, kung inyong mamarapatin, nais naming malaman nasaan ang kontribusyong ito ng mga empleyado? Isang malaking halaga kumpara sa P130,000.00 na kakailanganin sa pagpapalimbag sa dyaryo. At panghuli, hindi ba “conflict of interest” kung ang ilang QUEMAS officers ay umuupo rin bilang miyembro ng Selection Committee? Sa ganang amin, paano ninyo tuwirang maipaglalaban ang kapakanan ng nakararaming empleyado kung patuloy kayong sasang ayon sa mga panukala ng management. Mahirap pong mamangka sa dalawang ilog.  

  Huwag sana ninyong masamain ang mga hinaing naming ito, pero kailangan na naming iparating ang aming mga saloobin bago pa mahuli ang lahat. Ano pong aksyon at suporta ang aasahan namin sa inyo bilang aming mga kinatawan? Huwag sana tayong manahimik dahil hindi pa ito “hopeless case”. Harapin natin ang suliraning ito ng sama-sama at walang iwanan. Mahal natin ang Quedancor, kaya’t dapat nating mahalin ang isa’t isa. Sino pa ba ang magtutulungan at aasahan natin kundi tayo-tayo rin? Inaasahan namin ang inyong madaliang pagtugon, sana sa loob ng buwang ito ay makakita na kami ng pagtugon mula sa inyo, tama na ang matagal na pananahimik, ipaglaban ninyo ang kapakanan naming maliliit.  

  Nawa’y maghari ang pagpapala ng Panginoon na bigyan tayo ng isa pang pagkakataong buhayin muli ang ating kumpanya, hindi lamang para sa ating mga sarili kundi sa lahat ng umaasa sa atin ---- ang mga magsasaka, ang mga mangingisda, ang mga kooperatiba, ang mga negosyante at maging ang mga mahal natin sa buhay. 

 
"DO NOT GIVE UP WHEN YOU STILL HAVE SOMETHING TO GIVE. NOTHING IS REALLY OVER UNLESS YOU STOP TRYING"!

 

                                                                              - UNIFIED REGION IV EMPLOYEES-

8 comments:

Anonymous said...

kaya nga employees association dapat sila ang takapagtanggol natin,ang nangyayari e sunod sunuran lang din sila sa management,yong mga nagresign sa quemas dahil conflict daw of interest kasi indi nila kaya ipagtanggol ang empleyado,dapat d na sila kumanditato,kasi alam nila sa simula na yon ang magging duties and responsibility nila,kaya nga kung totoo n for employees sila dapat hangang sa huli sila ang magiging tagapagtanggol naming maliit na empleyado.

Anonymous said...

may itatanong lang po ako sana sa QUEMAS, ano po ba ibig sabihin nito, ito po ba ay isang akronim na ang ibig sabihin ay quedancor management association? d ko po minamaliit ang kakayanan ng bawat isa sa inyo at rinerespeto ko po ang mga desisyon nyo kung kayo po ay sa kabila na at hindi na sa mga nakararaming empleyado, kaya lang sana mag-isip kayo, d pa po huli ang lahat, ang totoo nga po ngayon pa lang tayo nagsisimula na magtulungan.

Anonymous said...

QUEMAS... baka QUEDANCOR MISMANAGEMENT ASSOCIATION yan...

Anonymous said...

QUEMAS - (Quedancor Employees Association)! Union pala ito ng maggagawaga sa Quedancor. Ang alam ko pag employees union taga pagtanggol ng meyembro kahit na isang apektadong empleyado. Ngayon hindi lang isang empleyado ang apektado 600 mahigit ayaw nyo pang kumilos?! Teka... Teka... Baka may mga CASHSUNDUAN na nagaganap ha na walang alam ang karamihan?!

Natural lang na pumanig kayo sa manggagawa kasi kayo ang representante nila! HOY GISING!

kosme supot said...

duwag yang putang inag yang si kosme eh urong bayag ayaw tayong ipaglaban. dapat di binoto

Anonymous said...

kasalanan natin lahat ito! kasi lahat tayo kurakot! makasarili ang top and middle management... kaya pati mga rank n file, kanya-kanya rin diskarte.

ayoko mawalan ako ng trabaho pero kahit ano pang gawin, kung ndi tatanggalin ang mga CO executives, VPs, RAVPs and DSs na mga abusado, wla talagang mangyayari... WALANG MANGYAYARING MABUTI!!!

pati tayo na mga rank n file lang, kurakot din, bakit? kac alam na nating ginagamit ng mga superiors natin ang trabaho nila sa personal businesses nila, hinahayaan pa rin natin.

sana ang Performance Appraisal ay "2-way", dapat pati mga rank n file ay may evaluation sa mga superiors nila... nang ma bulgar ang mga anomalya nila.

pero sino ba niloloko natin kundi ang ating mga sarili lng din. ang PAS ay BULLSHIT! lahat satisfactory o very satisfactory... pano nangyari yun e nalulugi ang companya sa kapalpakan ng halos lahat ng department natin???

oo, sang ayon ako kay OIC, palpak at maanomalya ang previous administration PERO KUNG DI NYA KAYANG TUWIRIN AT AYUSIN ANG COMPANYA E DI DAPAT MAG RESIGN NA CYA!

THE COMPANY IS LOSING BCOZ THE MANAGEMENT FAILED. oo, the management, meaning lahat ng executives, lalo na yung nasa field. dapat cla ang unang matanggal!

Mr. OIC, kung gusto mo maging tuwid ang kumpanya, hanapin mo at tanggalin mo ang mga maanomalyang mga empleyado. alam ko na alam mo kung sino-sino cla.

pero alam rin naman ng lahat na gusto mo talagang ipasara ang companya para magkaron ng panibagong companya... Agricor ba yun Mr. OIC? ito lang talaga ang sasabihin ko sa iyo. MAGRESIGN KA NA!

Anonymous said...

Si Ross Lizardo, tunay nga na nagresign ako sa Quemas as Officer pero hindi conflict of interest ang dahilan. Sana maunawaan ninyo na nang tumakbo ako as officer of Quemas nasa Accounting pa ako at hindi part ng management. Now for delikadesa sake, nagresign ako dahil nasa personnel ako ngayon at parte na rin ako ng management. Kung di ako magreresign di lalo ninyo ako pagduduhan ang credebilidad ko as officer of Quemas, di ba??? Lahat ng sasabihin ko hindi na rin magiging katanggap-tangap sa inyo because of where I am assigned. Rest assured na kahit hindi ako officer IPAGLALABAN KO KAYO SA ABOT NG AKIN KAYA ONLY NOT AS MRD NOR AS QUEMAS BUT ON MY PERSONAL CAPACITY.

Anonymous said...

Noon pa man wala naman talagang boses ang Quemas. Panahon pa ni Galo, Elmer, Nelson hanggang ngayon kay LtCol sunud sunuran lang sa management. Paano mismo sa Quemas may anomalya. Saka kasalanan din natin kung bakit binoto natin ay mga hapon at hindi naglalactacyd.